System data breach iniimbestigahan ng GSIS

PHOTO: GSIS logo superimposed over blurred shot of its building STORY: System data breach iniimbestigahan ng GSIS

METRO MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Government Service Insurance System (GSIS) ang pag-iimbestiga sa isang insidente ng data breach sa sistema nito.

Sa pahayag ng GSIS, ang insidente ay iniulat sa kanila ng kanilang security partner alas-5:20 ng hapon ng Huwebes, ika-12 ng Setyembre.

Ang nakompromiso ay ang administrator account ng isa sa mga computers ng ahensiya, na isang test computer at naglalaman ng “dummy data.”

Ang insidente ay naipost pa sa Facebook ng tinawag nilang “local threat actor.”

BASAHIN: P4.3B inilaán ng GSIS para sa El Niño emergency loan

Iniimbestigahan na rin kung totoo ang mga naibahagi sa Facebook account alinsunod sa Data Privacy Act.

Tiniyak ng ahensiya sa mga kawani nito at mga  miyembro at pensioner na protektado ang kanilang mga impormasyon.

Read more...