Quiboloy, 4 na KJC members ‘not guilty’ ang plea sa trafficking

PHOTO: Apollo Quiboloy STORY: Quiboloy, 4 na KJC members ‘not guilty’ ang plea sa trafficking
Apollo Quiboloy (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Nagpasok ng “not guilty plea” si Pastor Apollo Quiboloy at ang apat na miyembro ng itinatag niyang Kingdom of Jesus Christ (KJC) sa korte sa Pasig City sa kasong qualified human trafficking.

Nangangahulugan na malilitis na sina Quiboloy sa Pasig City Regional Trial Court Branch 159.

Iniharap ng Philippine National Police sa korte sina Quiboloy at ang mga kapwa niya akusado na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, at Sylvia Cemane.

BASAHIN: Quiboloy lilitisin, makukulong muna sa Pilipinas bago sa US – DOJ

Nakasuot ng bulletproof vest at Kevlar helmet ang pastor nang dalhin sa Pasig City Hall of Justice 8 a.m. nitong Biyernes.

Nang hingian ito nang pahayag ang tanging nasabi niya ay “tatag lang, tatag lang.”

Matapos ang pagbasa ng sakdal, nagdesisyon ang korte na ilipat sa Pasig City Jail, na nasa pangangasiwa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sina Roy, Cemane, at ang dalawang Canada.

Mananatili naman sa PNP Custodial Center sa Camp Crame ang KJC founder para lubos na matiyak ang kanyang kaligtasan.

Humarap din sa korte si alias Amanda, ang naghain ng reklamo laban kina Quiboloy.

Sinabi naman ni Israelito Torreon, ang abogado ni Quiboloy, na inosente ang kanyang mga kliyente kayat nagpasok ang mga ito ng “not guilty plea.”

Itinakda sa Oktubre ang paglilitis kina Quiboloy.

Read more...