OVP budget na piso OK lang kay VP Sara Duterte
METRO MANILA, Philippines — Gagana at makakapagtrabaho sa susunod na taon ang kanyang opisina kahit P1 lang ang ilaan sa Office of the Vice President (OVP).
Ito ang tiniyak ni Vice President Sara Duterte at aniya hindi siya aasa sa pondo mula sa gobyerno.
“Handa kami. Handa kami, handa ako, sa Office of the Vice President na magtrabaho kahit walang budget,” pahayag ni Duterte nitong Miyerkules.
BASAHIN: VP Duterte maaaring ma-impeach kung mali ang gamit ng funds
BASAHIN: VP Duterte duda na sa pagkasa ng OVP projects sa 2025
Dagdag pa niya: “Maliit lang yung opisina namin. Maliit lang yung operations namin kaya kayang-kaya namin na magtrabaho kahit walang budget.”
Inilabas ng OVP ang video taped message ni Duterte base sa mga nakarating sa kanyang impormasyon na binabalak na tanggalan o bawasan ang pondo ng kanyang opisina dahil sa mga isyu niya sa ilang miyembro ng Kamara.
Ilang mambabatas ang nagsabi na maraming programa at proyekto ng OVP ay ginagawa na ng ibang ahensiya.
Sinabi pa ni Duterte na ang hindi pagbibigay o pagbawas sa pondo ng OVP ay bahagi ng pag-atake sa kanya dahil sa pulitika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.