Harry Roque napatawan ulit ng contempt, kulong sa Kamara

PHOTO: Harry Roque STORY: Harry Roque napatawan ulit ng contempt, kulong sa Kamara
Si Harry Roque, noong nagsisilbí pa siyáng presidential spokesperson. —File photo mulá sa Malacañang

METRO MANILA, Philippines — Muling held in contempt si dating presidential spokesperson Harry Roque kayat muli din itong makukulong sa Kamara.

Ang mosyon laban kay Roque ay ginawa ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores nang mabigo ang dating tagapagsalita ng pangulo na isumite ang mga dokumento na may kaugnayan sa kanyang ari-arian at negosyo.

Dahil walang tumutol, inaprubahan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang mosyon bilang namumuno sa pagdinig ng binuong  quad committee ukol sa mga Philippine offshore gaming operator (POGO) hub.

BASAHIN: Seryoso ang pag-ugnáy kay Roque sa illegal POGO hub – Escudero

Makukulong si Roque sa Kamara hanggang sa maisumite niya ang mga dokumento o hanggang sa matapos ang pag-iimbestiga ng komite.

Sa pagdinig noong nakaraang ika-22 ng Marso 22 na patawan ng contempt na si Roque nang madiskubreng nagsinungaling siya upang hindi makadalo sa isa pang pagdinig.

Read more...