Harry Roque napatawan ulit ng contempt, kulong sa Kamara
METRO MANILA, Philippines — Muling held in contempt si dating presidential spokesperson Harry Roque kayat muli din itong makukulong sa Kamara.
Ang mosyon laban kay Roque ay ginawa ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores nang mabigo ang dating tagapagsalita ng pangulo na isumite ang mga dokumento na may kaugnayan sa kanyang ari-arian at negosyo.
Dahil walang tumutol, inaprubahan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang mosyon bilang namumuno sa pagdinig ng binuong quad committee ukol sa mga Philippine offshore gaming operator (POGO) hub.
BASAHIN: Seryoso ang pag-ugnáy kay Roque sa illegal POGO hub – Escudero
Makukulong si Roque sa Kamara hanggang sa maisumite niya ang mga dokumento o hanggang sa matapos ang pag-iimbestiga ng komite.
Sa pagdinig noong nakaraang ika-22 ng Marso 22 na patawan ng contempt na si Roque nang madiskubreng nagsinungaling siya upang hindi makadalo sa isa pang pagdinig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.