Hinilíng kay Alice Guo na iturò mga utak ng nga ilegál na POGO
METRO MANILA, Philippines — Maaaring gumaán ang pananagután ni suspended Mayor Ali Guo ng Bamban, Tarlac, kung itutuò niyá ang mga utak ng mga ilegál na Philippine offshore gaming operator (POGO), ayon sa pahayág ni Sen. Sherwin Gatchalian kahapóng Martés.
Hinihikayat na nga raw ni Gatchalian si Guo na makipagtulungán na sa mga awtoridád at ibahagì ang mga mahahalagáng impormasyon ukól sa mga ilegál na POGO hub.
Partikulár na binanggít ni Gatchalian ang koneksyon sa operasyón ng sinalakáy na mga POGO hub sa Bamban, Tarlac, at sa Porac, Pampanga.
“Ngayón at maliwanag na ang tunay niyáng pagkakakilanlán, patong-patóng na kaso ang maaaring isampá laban sa kanyá dahil sa kanyáng pagsisinungalíng at panlilinláng, kaya mas mainam na magsalitá na siyá,” sabi pa ng senadór.
Naniniwalà siyá na malalim ang nalalaman ni Guo sa dalawáng POGO hub.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.