METRO MANILA, Philippines — Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na wala na sa kamay niya ang kapalaran ni Pastor Apollo Quiboloy, ang founder Kingdom of Jesus Christ (KJC).
Aniya wala ng silbi ang kondisyon ni Quiboloy para sa kanyang pagsuko.
Ayon kay Marcos nasa kamay na ng korte ang kapalaran ng pastor na may arrested warrant dahil sa qualified human trafficking at child abuse.
Unang hiniling ng kampo ni Quiboloy na gumawa ng deklarasyon si Marcos na nagsasabing hindi siya ibibigay sa kustodiya ng gobyerno ng Estados Unidos, partikular na sa Federal Bureau of Investigation (FBI).
Nahaharap sa Estados Unidos sa mga kasong sex trafficking, fraud, and coercion si Quiboloy.
Higit isang linggo nang ginagalugad ng daan-daang pulis ang KJC Compound sa Davao City sa paghahanap kay Quiboloy.