METRO MANILA, Philippines — Umaasa si Sen. Risa Hontiveros na makakabalik na sa Pilipinas si dating Mayor Alice Guo at makakaharap na ito sa pagdinig ng tri-committee ng Senado bukas ng Huwebes
Ayon kay Hontiveros dadaan sa proseso na pinagdaanan nina Shiela Guo at Cassandra Ong ang napatalsik na alkalde ng bayan ng Bamban sa Tarlac.
Ito aniya ang ibinahagi sa kanya ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago.
BASAHIN: Alice Guo inaresto na ng mga awtoridad sa Indonesia
Pagdating sa bansa ng dating alkalde ay sasailalim muna ito sa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) bago siya ililipat sa NBI.
Ang NBI na ang magpapasa naman sa kanya sa pangangalaga ng Senate sergeant-at-arms.
Nakatakda ng 10 a.m. ang pagdinig ng committee on justice and human rights sa resolusyon na kanselahin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pasaporte ni Alice Guo.
Kasama sa pagdinig ang committee on women, children, family relations at ang committee on public services.