Alice Guo inaresto na ng mga awtoridad sa Indonesia

PHOTO: Bamban Mayor Alice Guo STORY: Alice Guo inaresto na ng mga awtoridad sa Indonesia
Mayor Alice Guo of Bamban, Tarlac —Kuha ni Marianne Bermudez, Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Inaresto na ng mg awtoridad ng Indonesia si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nitong madaling araw ng Miyerkules.

Ayon sa mensahe mula kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago, 1: 30 a.m. nang inaresto ng Indonesian police si Guo sa Tangerang City.

Kinumpirma na rin ng mga Indonesian immigration officials ang pagkakahuli kay Guo.

BASAHIN: Shiela Guo, Cassandra Ong sasampahan ng mga kasong kriminal

Samanatala, kinumpirma ni Gen. Rommel Francisco Marbil, ang hepe ng Philippine National Police (PNP), ang pagkakahuli kay Guo.

Tumanggi naman Si Marbeil na magbigay ng mga detalye na humantong sa pagkakahuli kay Guo.

Aniya humihingi na ang PNP ng mga karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng police attache nito sa Indonesia.

Read more...