METRO MANILA, Philippines—Sa loob ng mahigit isang oras, walong ulit na niyanig ng lindol ang Jomalig, Quezon ngayon umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang pinakamalakas – magnitude 5.3 — ay naitala nang 7:16 a.m. sa distansiyang 43 km sa hilaga ng isla. Ang susunod na pinakamalakas — magnitude 4.9 — ay natiala nang 7:55 a.m. Ang pinakamahina — magnitude 3.8 — ay naitala nang 8:04 a.m.
Naramdaman ang magnitude 5. 3 earthquake ng ng Intensity 3 sa Quezon City.
Base sa instrumental intensities naramdaman ang lindol sa mga sumusunod ng lugar:
- Intensity IV: Jose Panganiban sa Camarines Norte
- Intensity III: Mauban, Guinayangan, Alabat, at General Nakar sa Quezon
- Intensity II: Dingalan, Aurora; Gumaca, Lopez, Mulanay, at Calauag sa Quezon; Sagnay, Pasacao, at Ragay sa Camarines Sur; Los Baños sa Laguna; Marikina sa Metro Manila; Tagaytay City sa Cavite
- Intensity I sa Dolores at Lucban sa Quezon; Calamba City sa Laguna; Boac sa Marinduque; Iriga sa Camarines Sur; Antipolo City at Tanay sa Rizal; San Rafael at Marilao sa Bulacan; Tabaco City sa Albay, Pasig City at Caloocan City sa Metro Manila
MOST READ
LATEST STORIES