Enteng napanatili ang lakas, lumihis patungong Polillo Islands

PHOTO: Enteng or Yagi track map from Pagasa STORY: Enteng napanatili ang lakas, lumihis patungong Polillo Islands
Mapa galing sa Pagasa

METRO MANILA, Philippines — Napanatili ng bagyong Enteng ang taglay na lakas kasabay nang paglihis sa dagat sa silangan ng Polillo Islands sa lalawigan ng Quezon, ayon sa bulletin nitong 11 a.m. ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ang Enteng ay hulin namataan nitong 10 a.m. na nasa layong 115 km sa hilagang-silangan ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph malapit sa gitna at may bugso na umaabot sa 90 kph.

Patungo ito sa direksyon na hilaga-kanluran sa bilis na 15 kph.

BASAHIN: MMDA sinuspindi number coding scheme dahil sa Enteng

Ang lakas ng hangin nito ay nararamdaman hanggang sa layong 290 km mula sa gitna.

Nakataas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod;

Nasa Signal No. 1 naman ang mga sumusunod:

Ayon sa PAGASA maaring maging malakas ang pag-ulan sa Calabarzon, Metro Manila, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Bulacan, Aurora, Isabela, Cagayan, at Benguet.

Magpapatuloy naman ang pag-ulan sa Marinduque, Romblon, Camarines Norte, natitirang bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.

Read more...