METRO MANILA, Philippines — Dalawang tao ang namatay sa Central Visayas dahil sa epekto ng Tropical Storm Entenge (international name: Yagi) at habagat, ayon sa pahayag nitong Lunes ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Bukod dito, may 10 pa ang nasaktan at nasugatan.
Ayon sa NDRRMC, 14 pamilya — o 63 na indibiduwal — sa tatlong barangay sa Central Visayas (Region 7) ang apektado , at 43 sa kanila ang nananatili sa evacuation centers.
BASAHIN: Enteng napanatili ang lakas, lumihis patungong Polillo Islands
BASAHIN: MMDA sinuspindi number coding scheme dahil sa Enteng
May ulat din ng pagbagsak ng dalawang istraktura at pagguho ng lupa sa naturang rehiyon.
Bukod pa dito, may ulat na 10 bahay ang napinsala dahil sa bagyo.