Shiela Guo posibleng ilipat sa ordinaryong kulungan – Gatchalian

By Jan Escosio August 29, 2024 - 06:10 PM

PHOTO: Sen. Sherwin Gatchalian STORY: Shiela Guo posibleng ilipat sa ordinaryong kulungan – Gatchalian
Sen. Sherwin Gatchalian —File photo mulâ sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Hindi nalalayong mailipat sa ordinaryong kulungan si Shiela Guo kung magpapatuloy ang kanyang pagtatago ng buong katotohanan sa pagdinig ng Senado.

Ito ang tiniyak ni Sen. Sherwin Gatchalian nitong Huwebes matapos hingian ng reaksyon ukol sa mabilis na pagbaligtad ni Cassandra Ong sa pagdinig sa Kamara.

Malinaw na sumagot si Ong sa tanong ng mga kongresista nang magpahiwatig si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na maaari itong mailipat sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

BASAHIN: Shiela Guo nasa kustodiya na ng Senado

Ayon kay Gatchalian marami nang pagkakataon na inilipat sa Pasay City Jail ang mga nakulong sa Senado matapos ma-cite for contempt dahil sa pagsisinungaling o hindi pagsasabi ng buong katotohanan.

Sinabi ng senador na sa naging testimoniya ni Shiela Guo sa pagdinig noong nakaraang Martes kapansin-pansin na hindi kapani-paniwala ang marami sa kanyang mga ibinahagi at marami din butas ang kanyang salaysay.

Umaasa siya na magiging iba na ang pag-kuwento nito sa pagdinig sa Lunes, ika-2 ng Setyembre.

TAGS: Alice Guo, Illegal POGO hubs, Sherwin Gatchalian, Shiela Guo, Alice Guo, Illegal POGO hubs, Sherwin Gatchalian, Shiela Guo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.