METRO MANILA, Philipines — Tiyak na ang pagharap ni Shiela Guo sa pagdinig bukas ng Martes ng Senate “tri-committee.”
Kasunod ito nang paglipat sa kustodiya ng nakakatandang kapatid ni dating Mayor Alice Guo sa Senado mula sa National Bureau of Investigation.
Sinabi ni Senate Secretary Renato Bantug Jr., 12:29 p.m. nang pumasok sa Senate compound si Guo at agad itong sumailalim sa medical check-up sa pangangasiwa ng Senate sergeant-at-arms.
Dinala siya sa inihandang detention room katabi ng opisina ng Police Protection and Security Group (PSPG) ng Philippine National Police (PNP).
BASAHIN: Shiela Guo, Cassandra Ong makakadalo na sa Senate hearing – NBI
Kabilang sa arrest order ni Senate President Francis Escudero sina Alice, Shiela gayundin ang kanilang kapatid na si Wesly at mga magulang nilang sina Jian Zhong Guo at Lin Wen Yi.
Noong nakaraang linggo, inaresto sina Shiela Guo at Cassandra Ong sa Indonesia matapos ang kanilang pagtakas sa Pilipinas noong nakaraang buwan.
Ang pagdinig bukas ay pamumunuan ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III bilang chair ng Senate committee on justice. Kasama sa pagdini commitee on women, children, family relations and gender equality na pinamumunua ni Sen. Risa Hontiveros at ng commitee on public services na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.