Parte ng MRT 7 aarangkada sa pagtatapos ng 2025 – DOTr

By Jan Escosio August 29, 2024 - 06:15 AM

PHOTO: MRT train being lifted by a crane
File photo mula kay Niño Jesus Orbeta | Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Maaaring buksan na ang isang bahagi ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) sa pagtatapos ng 2025, ayon sa pahayag ng Department of Transportation (DOTr) nitong Miyerkules.

Ngunit ang magiging biyahe ng linya ay mula lamang sa North Avenue Joint Station hanggang Quirino Station, nilinaw ni Transportation Undersecretary Jeremy Regino.

Aniya maaring makumpleto ang biyahe hanggang San Jose del Monte City sa Bulacan sa 2027.

BASAHIN: Higit 129-M sumakay sa MRT 3 noong 2023

Ang 22-km na mass transport system ay binubuo ng 14 stations —  Quezon-North Avenue Joint Station, Quezon Memorial Circle, University Avenue, Tandang Sora, Don Antonio, Batasan, Manggahan, Doña Carmen, Regalado, Mindanao Avenue, Quirino, Sacred Heart, Tala, at San Jose del Monte.

Kapag naging operasyonal, ang biyahe mula sa magkabilang dulong istasyon ay tatagal lamang ng 35 minuto.

Sa unang taon ang magiging kapasidad nito ay hanggang 300,000 pasahero.

TAGS: department of transportation, Metro Rail Transit 7, MRT 7 opening, department of transportation, Metro Rail Transit 7, MRT 7 opening

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.