VP Duterte todo-sisi sa pagsuporta kay Ferdinand Marcos – Imee
METRO MANILA, Philippines — Labis nang pinagsisihan ni Vice President Sara Duterte ang pagsuporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong tumatakbo pa ito noong 2022 elections.
Ito ang ibinahagi ni Sen. Imee Marcos, nakakatandang kapatid ng pangulo at malapit na kilalang kaibigan ni ng pangalawang pangulo.
Ayon sa senadora, humingi ng paumanhin si Duterte sa mga tagasuporta ni Pastor Apollo Quiboloy, ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KJC), dahil sa pagsuporta sa pangulo at aniya ay pinagsisihan na niya ito.
BASAHIN: Uniteam nina PBBM at VP Sara buong-buo pa
Inamin ng senadora na labis siyang nalulungkot sa nangyari sa UniTeam ng Marcos-Duterte.
“Sobrang lungkot. Ito nga talagang sinabi ni VP Inday na siya ay humingi ng tawad at nagsisisi sa pagsuporta sa administrasyon. Ako’y lungkot na lungkot sa pagkawatak-watak ng team,” sabi pa ni Senator Marcos.
Aniya mananatili naman silang magkaibigan ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.