Paghalughog sa KJC Compound ni Quiboloy pinigil ng korte
METRO MANILA, Philippines — Ipinahinto ng Branch 15 ng Davao City Regional Trial Court sa Philippine National Police (PNP) ang ginagawang pagtugis kay Pastor Apollo Quiboloy sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) Compound sa Buhangin District sa lungsod.
Nagpalabas ang Davao City RTC ng “temporary protection order” laban sa PNP para itigil ang operasyon sa loob ng KJC Compound.
Inatasan ni Presiding Judge Mario Duaves ang pulisya na alisin ang mga inilagay na barikada para malayang makapasok at makalabas ang mga tagsunod ni Quiboloy sa loob ng compound.
BASAHIN: Pitong pulis nasugatan sa kaguluhan sa Quiboloy manhunt
Ang utos ay para din kay Interior Secretary Benhur Abalos na siyang nangangasiwa sa PNP.
Noong Sabado, daan-daang pulis ang pumasok sa loob ng compound para isilbi kay Quiboloy ang warrants of arrest na nag-ugat sa kanyang mga kasong human trafficking at sexual at child abuse.
Isang tagasunod ni Quiboloy ang namatay matapos atakehin sa puso, samantalang may pitong pulis naman ang nasugatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.