Pitong pulis nasugatan sa kaguluhan sa Quiboloy manhunt
METRO MANILA, Philippines — Sa patuloy na paghahanap kay Pastor Apollo Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ (KJC) compound sa Davao City, pitong pulis ang nasugatan, ayon kay PNP spokesperson na si Col. Jean Fajardo.
Aniya, may mga pulis na nasugatan sa ulo, mukha, at iba pang bahagi ng kanilang katawan dahil sa operasyon.
Idiniin ni Fajardo na hindi ang mga pulis ang nagsimula ng kaguluhan at aniya ang mga sugatang pulis ay dinala na sa Camp Quintin Merecido Hospital.
Pinabulaanan din ni Fajardo ang pahayag ng mga tagasuporta ni Quiboloy na gumamit ang mga pulis ng teargas sa kabila nang pambabato sa kanila ng mga upuan.
BASAHIN: Abalos ipinagtanggol ang PNP operation sa compound ni Quiboloy
Sa kabila nito, wala inaresto ang mga pulis na mga tagasuporta ni Quiboloy.
Ngunit pinag-aaralan naman ng awtoridad ang pagsasampa ng kasong obstruction of public road laban sa mga kinauukulang opisyal ng organisasyon dahil sa pagharang ng mga sasakyan at heavy equipment sa kalsada patungo sa KJC Compound.
Samantala, naibalik na sa kani-kanilang pamilaya ang 20-anyos na lalaki at 51-anyos na babae na nailigtas ng pulisya mula sa compound.
Gumagamit naman na ng radar ang pulisya sa nadiskubreng underground bunker, kung saan pinaniniwalaang nagtatago si Quiboloy, na nahaharap sa mga kasong human trafficking at child abuse kasama ang ilang miyembro ng KJC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.