Shiela Guo, Cassandra Ong makakadalo na sa Senate hearing – NBI
METRO MANILA, Philippines — Napaghandaan na ng Senado ang paglilipat sa kustodiya kina Shiela Guo at Cassandra Ong, ayon sa tagapagsalita nitong si Arnel Jose Bañas.
Ito ay matapos na rin tiyakin ng National Bureau of Investigation (NBI) na makakaharap ang dalawa sa pagdinig ng binuong “tri committee.”
Ang komite, sabi pa ni Bañas, ay pamumunuan ni Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, ang namumno ng committee on justice and human rights.
BASAHIN: Sheila Guo, Cassandra Ong nasa kustodiya ng NBI
Katuwang ni Pimentel sina Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ng committee on women, children, family relations and gender equality at Sen. Raffy Tulfo ng committee on public services.
Ang pagdinig ay may kaugnayan sa privilege speech ni Pimentel para kanselahin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang passport ni dismissed Mayor Alice Guo.
Ayon naman kay Senate sergeant-at-arms na si Roberto Ancan, ang NBI ang magdadala kina Guo at Ong sa Senado pagkatapos iharap sa inquest prosecutor ang dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.