Bribery conviction ni Jinggoy Estrada binaligtad ng korte

PHOTO: Jinggoy Estrada STORY: Bribery conviction ni Jinggoy Estrada binaligtad ng korte
Sen. Jinggoy Estrada —File photo mula sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang motion for reconsideration ni Sen. Jinggoy Estrada sa hatol sa kinaharap na kasong direct bribery at indirect bribery

Sa botong 3-2 ng 5th Division ng anti-graft court, napawalang sala si Estrada sa mga kasong may kaugnayan sa paggamit niya ng kanyang pork barrel funds.

Sa 26-pahinang resolusyon na isinulat ni Associate Justice Theresa Mendoza-Arcega pinagtibay naman ng korte ang hatol kay Janet Lim Napoles.

Noon lamang Enero, pinawalang sala si Estrada sa kasong plunder o pandarambong ngunit nahatulang guilty ng direct at indirect bribery.

Nasentensiyahan siya ng hanggang 15 na taon na pagkakakulong.

 

 

 

Read more...