Sheila Guo, Cassandra Ong nasa kustodiya ng NBI

NBI logo over shot of NBI HQ facade STORY: Sheila Guo, Cassandra Ong nasa kustodiya ng NBI
Composite image from INQUIRER.et file photos

METRO MANILA, Philippines — Nasa kustodiya muna ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Sheila Guo at Cassandra Ong, angn mga kasama ni dismissed Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Mula sa NAIA Terminal 1, idiniretso na sa NBI office sa Quezon City sina Guo at Ong paglapag ng kanilang eroplano mula sa Indonesia.

Si Guo ay kapatid at Ong naman ay kasosyo sa negosyo ng pinatalsik ng alkalde.

BASAHIN: Alice Guo nakatakas na ng Pilipinas – Hontiveros

May arrest order mula sa Senado ang kapatid ng alkalde, samantalang kanina lamang nagpalabas ng arrest order ang Kamara para kay Ong.

Inireklamo na ang dalawa ng paglabag sa immigration laws ng Pilipinas kayat kinuha muna sila ng NBI.

Nakikipag-ugnayan na ang Senate Office of the Sergeant-at-Arms sa NBI para sa kustodiya nila matapos ang debriefing sa kanila.

Read more...