METRO MANILA, Philippines — Wasto at walang nakitang kalabisan si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pag-usisa ni Deputy Senate Minority Leader Risa Hontiveros sa panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP).
Sinabi ni Escudero na napanood niya ang tensiyonadong bahagi ng pagtalakay sa 2025 budget ng opisina ni Vice President Sara Duterte kahapong Martes.
Aniya walang mali sa pag-usisa ni Hontiveros sa P10 milyon gagastusin para sa pamamahagi ng librong pambata na isinulat ni Duterte.
BASAHIN: VP Duterte alam ang planong impeachment laban sa kanya
BASAHIN: Alice Guo nakatakas na ng Pilipinas – Hontiveros
Pinuri din niya si Sen. Grace Poe, ang chairperson ng committee on finance, sa paghawak nito sa tensiyon sa pagitan nina Duterte at Hontiveros.
Sa kanyang palagay, dagdag pa ng senador, maganda din naman ang pagwawakas ng deliberasyon dahil sumagot din sa tanong si Duterte.
Ang OVP ay may panukalang P2.037 bilyong budget para sa susunod na taon.