METRO MANILA, Philippines —Sinimulan na ng pamahalaang ng Quezon City ang contact tracing sa nakumpirmang may taglay ng mpox.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pasyente ay hindi residente ng lungsod.
Isa aniya sa dalawang pasyente ay nadiskubreng nagtungo sa isang dermatology clinic at sa isang spa bago nalaman na taglay niya ang sakit.
BASAHIN: Bagong kaso ng mpox sa Pilipinas naitala ng DOH
Nabatid ng Radyo Inquirer na isinara ang spa matapos madiskubre na wala itong permit mula sa tanggapan ni Belmonte.
Kasama sa contact tracing ang mga nakaharap ng pasyente sa pagpunta niya sa dalawang establismento.
May pitong katao na ang kasalukuyang naka-quarantine.MOST READ
LATEST STORIES