Senate probe ng ex-BOC agent ukol sa droga nais ni Dela Rosa

By Jan Escosio August 19, 2024 - 10:55 AM

PHOTO: Ronald dela Rosa STORY: Senate probe ng ex-BOC agent ukol sa droga nais ni Dela Rosa
Sinabi ni Sen. Ronald dela Rosa nitong Lunes, ika-19 ng Agosto 2024 na maghahain siya ng resolusyon para mag-imbestigahan ang mga isiniwalat ni ex-Customs agent Jimmy Guban ukol sa drug smuggling. | Kuha ni Jan Escosio, Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Maghahain ng resolusyon si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa para maimbestigahan sa Senado ang mga ibinunyag noong nakaraang linggo ni dating Bureau of Customs intelligence agent Jimmy Guban sa Kamara.

Umaasa din si dela Rosa na itatalaga sa pinamumunuan niyang committee on public order and dangerous drugs ang ihahain niyang resolusyon.

Ngunit sinabi na ng senador nitong Lunes na marami na sa mga isiniwalat ni Guban sa “quadcom” hearing ay hindi kapani-paniwala, kabilang na ang pagkakasangkot nina Hans Carpio at Davao Rep. Paolo Duterte — na asawa at kapatid ni Vice President Sara Duterte — sa drug smuggling.

BASAHIN: P56M na shabu sa balikbayan box mula Thailand nasamsám ng BOC

BASAHIN: Names dropped by ex-BOC exec invited to next quad-comm hearing

Kapansin-pansin na rin daw na “scripted” ang testimoniya ni Guban sa apat na komite.

Idiniin ni dela Rosa na ipaubaya lamang sa kanya ang pangunguna sa pagdinig at tiwala siya na mapapalabas niya ang katotohanan.

Samantala, nilinaw niya Rosa na hindi kasama si Antipolo Rep. Romeo Acop sa mga pinatsudahan niya na mga mambabatas na dating puring-puri sa drug war ng nakaraang Duterte administrasyon at ngayon ay bumaligtad na ng posisyon.

Sinabi pa ng senador na malaki ang respeto niya kay Acop, na kanyang upperclassman sa Philippine Military Academy (PMA), kayat hindi isyu sa kanya ang pagtawag nito sa kanya na “lapdog” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: Bureau of Customs, drug war, illegal drug smuggling, jimmy guban, Ronald dela Rosa, Bureau of Customs, drug war, illegal drug smuggling, jimmy guban, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.