P56M na shabu sa balikbayan box mula Thailand nasamsám ng BOC

By Jan Escosio May 08, 2024 - 05:43 PM

PHOTO: Bureau of Customs logo with boxes in warehouse as background STORY: P56M na shabu sa balikbayan box mula Thailand nasamsám ng BOC
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Kinumpiska ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) ang higit 8.2 kilograms ng shabu na may halagang P56 million mula sa Thailand at dumating sa Manila International Container Port.

Nakalagay sa plastic pouches ang droga at isinilid sa dalawang electric fan at limang water heater, na inilagay naman sa isang balikbayan box na dumating sa bansa noong Abril 7, ayon sa pahayag nitong Miyerules mula kay Customs Intelligence and Investigation Service Director Verne Enciso.

Idineklarang mga sapatos, kasangkapan sa bahay, at mga piyesa ng sasakyan ang laman ng kahon na.

Ayon kay Enciso nakatanggap ang BOC ng “derogatory information” ukol sa kargamento kaya isinailalim nila ito sa masusing inspeksyon.

Kinumpirma na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na shabu ang nakumpiska ng BOC.

Nakapangalan ang kargamento sa Philippians 419 Export and Import Gen MDSE Corp. at isang Frejail Calugay ang dapat na tatanggap.

TAGS: Bureau of Customs, drug smuggling, Bureau of Customs, drug smuggling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.