Security guards gagamiting intel operatives ng PNP
METRO MANILA, Philippines — Binabalak ng Philippine National Police (PNP) na magpasaklolo sa mga guwardiya para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Ayon sa hepe ng PNP Civil Security Group na si Maj. Gen. Edgar Okubo napakahalaga na magamit na “force multipliers” at sa intelligence ang mga guwardiya.
Sa ngayon, may 575,000 na security guard sa bansa at maganda ang bilang na ito para sa mga maaring makatulong sa mga pulis, ayon kay Okubo.
BASAHIN: Pulis, sundalo exempt sa drug, neuro tests pagkuha gun license
Maaaring magamit ang mga guwardiya, dagdag pa niya, sa mga isyu sa pambansang seguridad, terorismo, smuggling, drug trading at sa Internal Security Operation (ISO).
Pinaliwanag ni Okubo na ang mga guwardiya ay kailangan na sumailalim sa basic training program ukol sa intelligence gathering.
Aniya may paunang 61 guwardiya sa Metro Manila ang nakapagtapos na sa naturang programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.