Pulis, sundalo exempt sa drug, neuro tests pagkuha gun license

By Jan Escosio August 16, 2024 - 09:45 AM

PHOTO: Composite image of PNP headquarters with PNP logo superimposed STORY: Pulis, sundalo exempt sa drug, neuro tests pagkuha gun license
Composite image from INQUIRER.net file photos

METRO MANILA, Philippines — Exempted na ang mga pulis at sundalo sa drug at neuro tests sa pagkuha o pag-renew nila ng  license to own and possess firearms (LTOPF) kayat kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na mas madali na silang mahikayat na kumpletuhin ang papeles nila.

Nabatid ng Radyo Inquirer na sa ngayon may 11,000 na pulis at 14,000 na sundalo ang expired na ang LTOPF.

Ayon sa tagapagsalita ng PNP Civil Security Group, Lt. Col. Eudisan Gultiano, ipinag-utos ni PNP chief Gen. Rommel Marbil na bigyan ng exemption ang mga aktibong pulis at sundalo sa drug at neuro tests para sa kanilang personal na baril.

BASAHIN: PNP bubuô ng special team kontra police ‘escort service’ 

Inamin ni Gultiano na nagsisilbi pang balakid ang neuro at drug tests sa pagkuha ng LTOPF ng mga pulis at sundalo dahil sa kakulangan sa oras.

Dagdag pa niya, walang oras ang tawag ng tungkulin sa mga pulis at sundalo at ito ang isa sa mga dahilan ni Marbil upang bigyan sila ng exemption sa drug at neuro tests sa pagkuha at pag-renew ng LTOPF.

 

 

TAGS: firearm's license, Philippine National Police, firearm's license, Philippine National Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.