Contract workers gawing regular na – Budget chief

PHOTO: Amenah Pangandaman STORY: Contract workers gawing regular na – Budget chief
Budget Secretary Amenah Pangandaman —INQUIRER.net file photo mulâ kay Ryan Leagogo

METRO MANILA, Philippines — Nanawagan si Budget Secretary Amenah Pangandaman sa mga ahensiya ng gobyerno nitong Miyerkules na gawing regular o permanente ang kanilang mga contract of service (COS) at job order workers.

Sinabi ni Pangandaman na 92% ng 2,017,380 plantilla positions sa gobyerno ang okupado at 8% o 168, 719 ang bakante na.

“We encourage our department heads to absorb ‘yung mga JO and COs natin when they fill in these unfilled plantilla positions. I-prioritize natin sila,” ani Pangandaman.

BASAHIN: CSC tutulong ma-regular mga contractual workers sa gobyerno

Ito aniya ay alinsunod sa nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin hanggang ika-31 ng Disyembre 2025 ang termino ng mga kawani na ang posisyon ay nasa ilalim ng contract of service o job order.

Ipinaliwanag ng kalihim na ang desisyon ni Marcos ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga kawani na palawigin ang kanilang karanasan at kaalaman bago mag-apply sa mga bakanteng permanenteng posisyon.

Read more...