Higit 2,400 na NBP inmates uubra sa voter registration

By Jan Escosio August 13, 2024 - 08:45 AM

PHOTO: New Bilibid Prison facade with sign. STORY: Higit 2,400 na NBP inmates uubra sa voter registration
The New Bilibid Prison | File photo from Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Magsasagawa ang Commission on Elections (Comelec) ngayon araw ng Martes ng special voter’s registration para sa mga persons deprived of liberty (PDLs) sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang na may 2,431 bilanggo ang maaring magpa-rehistro upang makaboto sa mga idaraos na mga eleksyon sa bansa.

Aniya, ang kaso ng mga naturang PDLs ay naka-apila kayat kinikilala pa rin ang kanilang karapatan na makaboto.

BASAHIN: Comelec walang balak na extension ng voter’s registration

Nagsimula ang pagpaparehistro sa NBP kaninang 8 a.m. at magtatapos mamayang 3 p.m. ng hapon.

Samantala, 500 PDLs ang inilipat sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga mula sa NBP.

Ayon kay Catapang sa mga inilipat na bilanggo, 200 ang mula sa maximum security compound, katulad na bilang ang mula sa medium security compound at 100 ang mula sa Reception and Diagnostic Center.

Dagdag pa ni Catapang, simula noong nakaraang Enero may 5,770 bilanggo ang nailipat na sa ibat-ibang pasilidad ng kawanihan mula sa pambansang piitan.

Ito aniya ay bahagi ng binabalak na pagpapasara ng NBP sa 2028.

TAGS: Commission on Election, new bilibid prison, voter registration, Commission on Election, new bilibid prison, voter registration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.