Comelec walang balak na extension ng voter’s registration
Hindi pa man nagsisimula, sinabi na ng Commission on Elections (Comelec) na walang balak na palawigin pa ang isasagawang voter’s registration.
Unang inanunsiyo ng Comelec na magsisimula muli ang pagpaparehistro ng mga kuwalipakado upang makaboto sa 2025 midterm elections sa darating na Pebrero 12 at magtatapos sa Setyembre 30.
Sinabi ni Comelec spokesman Rex Laudiangco na maaring magipit na sa paghahanda sa eleksyon sa Mayo 12, 2025 kung palalawigin pa nila ang voter’s registration.
Paliwanag niya pagdating ng Oktubre ay kailang nang mabuo ang Election Registration Board sa mga lungsod at bayan.
Ito aniya ay upang makapagsagawa na ng mga pagdinig para sa pag-apruba o pagbasura sa mga nagparehistro.
“After which, we shall proceed with the finalization of projects of precincts, which will in turn be the basis of procurement of election forms and supplies, the number of which must be fixed, especially on the official ballots, which must be printed one ballot per one registered voter. No room for excess,” sabi pa Laudiangco.
Sa Oktubre din kinakailangan nang makapagpalabas ng resolusyon para sa 2025 elections’ calendar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.