METRO MANILA, Philippines — Isang low pressure area (LPA) sa silangan ng Hilagang Luzon ang namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ayon sa PAGASA, may posibilidad na maging typhoon ang LPA at tatawagin itong Dindo kung papasokito sa Philippine area of responsibility (PAR).
Kaninang 3 a.m. ng madaling araw nitong Lunes, namataan ang LPA sa distansiyang 1,375 km malapit na sa PAR.
BASAHIN: GSIS may P18.5B para sa Typhoon Carina emergency loan
Sa pagtataya, agad din itong lalabas ng PAR at hindi inaasahan na paiigtingin nito ang habagat.
Inaasahan naman na patuloy na makakaapekto sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas ang habagat at magdudulot ito ng paminsan-minsan na pag-ulan.
Kasama dito ang Metro Manila, Western Visayas, at Negros Island.