Pangulong Rodrigo Duterte dapat linawin ang ‘mamatay statement’ sa anti-drug campaign

Leila de limaNanawagan si Senator Leila De Lima sa Malakanyang na linawin ang mga nagiging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa anti-drug stand ng administrasyon.

Ayon kay De Lima maaring nagkakaroon ng maling interpretasyon ang mga tagapagpatupad ng batas kaya’t padami nang padami ang mga namamatay na suspected drug personalities.

Giit ng Senadora sa mga law enforcement operations ay dapat na nangingibabaw ang rule of the law at pagrespeto sa mga karapatang-pantao.

Dapat din aniya nasusunod ang operational guidelines.

Pinuna ni De Lima ang patuloy na pagdami ng mga namamatay na mga suspected drug pushers sa mga diumano’y shootout at pang-aagaw ng baril.

Read more...