Classes suspension nasa kamay ng LGU’s ayon sa Deped

deped logoDahil sa pagbaha ng mga reklamo sa social media sa late suspensions ng mga klase, nagpalabas ng paglilinaw ang Deped.

Sa press statement ng kagawaran ang mga suspensyon ng mga klase ay nakadepende sa idineklarang storm signal ng Pagasa.

Kapag wala naman storm signal ang mga LGU’s ang dapat na nagdedesisyon kung sususpindihin ang mga klase.

Ang paglilinaw na ito ng Deped ay patnubay na rin sa mga magulang para tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga anak.

Kasabay nito nanawagan na rin ang Deped sa mga magulang na magdesisyun na rin kung papasukin ang kanilang anak tuwing masama ang panahon kung walang anunsiyo ng suspensyon ng mga klase.

Read more...