Freeze order sa ari-arian ni Quiboloy nilabas ng CA

PHOTO: Apollo Quiboloy STORY: Freeze order sa ari-arian ni Quiboloy nilabas ng CA
Apollo Quiboloy (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines —Hindi magagalaw ni Pastor Apollo Quiboloy ang kanyang 10 bank accounts dahil sa  pagpapalabas ng freeze order ng Court of Appeals (CA).

Sakop din ng kautusan ang pitong bahay at lupa, limang sasakyan, at isang sasakyang panghimpapawid ni Quiboloy, nang nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ (KJC).

Nabatid ng Radyo Inquirer na sakop din nito ang 47 na bank accounts, 16 na ari-arian, at 16 na sasakyan na nakapangalan sa KJC.

BASAHIN: P10M na pabuyà sa info para maaresto si Apollo Quiboloy – DILG

BASAHIN: Kapwà akusado ni Quiboloy ng child abuse, trafficking nahuli na

Ang kautusan ay base sa petisyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa mga ari-arian ni Quiboloy, KJC, at sa ilang mga tagasunod ni Quiboloy.

Ang hakbang ng AMLC at CA ay may kaugnayan sa kinahaharap ni Quiboloy na mga kasong qualified human trafficking at child abuse.

Pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad si Quiboloy matapos magpalabas ng warrant of arrest para sa kanya ang dalawang korte, isa sa Davao City at isa sa Pasig City.

Read more...