METRO MANILA, Philippines — Nagpasabi na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa nitong Huwebes na hindi siya dadalo sa pagdinig ng binuong “supercommittee” ng Kamara na magsasagawa ng pagdinig ukol sa mga Philippine offshore gaming operator (Pogo) at extrajudicial killings (EJKs) noong drug war ng Duterte administration.
Aniya, una na niyang sinasabi na hindi siya dadalo dahil sa kailangang panindigan ang “inter-parliamentary courtesy” sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Iniimbestigahan ng supercommittee ang isyu ukol sa nga Pogo at EJKs.
BASAHIN: Dela Rosa di haharáp sa drug war probe ayon sa payo ni Escudero
Hinala ni dela Rosa na may kulay pulitik ang pag-iimbestiga sa mga naturang isyu at magkakatulad lamang ang mga tanong.
Binanggit pa nito na may mga pagkilos na rin para mahikayat ang siya, na dating hepe ng Philippine National Police (PNP), na magbigay ng pahayag laban sa kanila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.