Ang reklamo ay isinumite ng unyon ng mga empleyado ng APO Production Unit, ang printing company ng gobyerno na nag iimprenta ng accountable forms at iba pang mga sensitibong papel.
Ayon kay Union President Conrado Molina nag ugat ang kanilang reklamo laban kay Coloma sa pagkuha ng 11 sales representatives na tumanggap ng komisyon na umabot ng 191 milyon nitong nakalipas na limang taon.
Giit nito hindi naman nila kailangan sales representatives dahil agency to agency ang usapan.
Aminado naman si Molina na wala silang matibay na ebidensiya na napunta nga kay Coloma ang milyong milyong pisong komisyon.
MOST READ
LATEST STORIES