Asawa ng napatay na drug pusher sa Pasay police station, humihingi ng katarungan

dead pasay july 8Hihingi ng katarungan ang live in partner ng drug pusher na napatay sa loob mismo ng Pasay city police station kahapon.

Sinabi ni Harra Kazou, live in partner ng napatay na si Jaypee Bertes, hindi siya kumbinsido na tinangka nitong agawin ang baril ng pulis.

Dagdag pa ni Kazou ilang oras bago ang pangyayari, nagkausap pa silang dalawa at isinumbong sa kanya ang pananakit sa kanila ng mga pulis.

Magugunita na napatay din ang tatay ni Bertes na si Renato nang mabaril ito sa pagtatangka umano na naawatin ang anak.

Naaresto si Jaypee sa kanilang bahay noong Miyerkules ng gabi ng mga tauhan ng station anti illegal drugs division ng Pasay police.

Kababalik lang ng mag ama mula sa drug test nang maganap ang insidente.

Ang Pasay police din ang mag iimbestiga sa pangyayari.

Read more...