Ani Dela Rosa, sawa na siya na magpatapon pa ng mga tiwaling pulis sa Mindanao dahil marami pa rin sa mga ito ang walang kadala-dala at patuloy na lumalabag sa batas.
Pabiro pang sinabi ni Dela Rosa kay Aquino na kapag hindi nahanapan ng ebidensiya o kaya ay hindi pa rin nagbago ang mga pulis na nahuli, alam na nito ang dapat gawin.
Samantala ipinag utos na rin ni Bato sa mga provincial director ng Central Luzon ang paglalagay ng mga rehabilitation facilities sa kanilang mga nasasakupan para may mapagdalhan ang mga sumusuko na mga user ng droga para marehabilitate at matulungan makabalik sa lipunan bilang mga produktibong mamamayan.