METRO MANILA, Philippines — Tatalakayin ng Senate Committee on Public Information and Mass Media ngayong araw ng Miyerkules ang mga isyu ng pang-aabuso at harassment sa mga television networks at artist management agencies.
Ang komite ay pinamumunuan ni Sen. Robinhood Padilla, na nagbigay kamakailan ng privilege speech kamakailan ukol sa isyu.
Base sa guest list, kabilang sa mga naimbitahan ay si Sandro Muhlach, anak ng kilalang aktor na si Niño Muhlach.
Inaasahan na makakasama niya ang kanyang ama at ina na si Angela Kristine Muhlach.
BASAHIN: TV networks, Film outfits, dapat magsagawa ng sorpresang drug test sa kanilang mga artista – PDEA
Kamakailan ay naghain ng reklamo ang nakakabatang Muhlach laban sa dalawang independent contractor ng GMA Network.
Ayon kay Padilla, nararapat na maipaliwanag ito ng naturang network bagamat sinabi niya na hindi ito nangangahulugan na dapat nang sisihin ang GMA.
Kabilang din sa mga naimbitahan ay mga opisyal ng National Bureau of Investigation, Department of Labor and Employment, Actor’s Guild of the Philippines, at mga kinatawan ng mga TV networks.