METRO MANILA, Philippines — Nadagdagan ng seven percentage points ang satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hunyo, ayon sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey.
Nabatid ng Radyo Inquirer na mula sa 20% noong Marso, tumaas sa 27% ang satisfaction rating ni Marcos noong Hunyo.
Nabatid na 55% ng mga Filipino ang nasiyahan sa panunungkulan ni Marcos, may 15% ang walang naisagot at 28% ang nagsabi na hindi sila nasiyahan.
BASAHIN: Masusunod ang POGO total ban na utos ni Marcos – Pagcor
Nakapagtala si Marcos ng +38 sa Balance Luzon, +30 sa Metro Manila, +26 sa Visayas at +5 sa MIndanao.
Malaki ang pagbabago sa Visayas at Mindanao dahil ito ay mula sa +9 at -19 noong Marso.
Isinagawa ang survey noong ika-23 ng Hunyo 23 hanggang ika-1 ng Hulyo at ito ay may 1,500 respondents, 600 sa Balanced Luzon at tig-300 sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.