Miyembro ng Fajardo Kidnap for ransom group nasakote ng CIDG sa Thailand

handcuffsNaaresto ng pinagsanib na pwersa ng CIDG, PRO 18 o Police Regional Office 18 at PNP-AKG o anti-kidnapping group ang miyembro ng Fajardo Kidnap for Ransom Group sa Thailand.

Ayon kay PNP Anti-Kidnapping Group Director Police Sr Supt. Manolo Ozaeta, naaresto si Patrick Philip Gutierrez Alemania alyas Bobby at Patrick sa Bangkok, Thailand.

Ayon kay Ozaeta, naaresto si Alemania nuong July 4 sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnap for ransom habang patungo sa pinagtuturuan nitong paaralan sa Bangkok.

Si Alemania ang umano’y utak sa pagdukot sa negosyanteng si Tony Hui Chua at ngayon ay pansamantalang nakakapiit sa Royal Thai Immigration Detention habang inaasikaso pa ang mga dokumento pabalik ng Pilipinas.

Read more...