Undersecretary Cristina Roque itinalagang acting DTI secretary

By Jan Escosio August 02, 2024 - 02:01 PM

PHOTO: Ma. Cristina Aldeguer-Roque STORY: Undersecretary Cristina Roque itinalagang acting DTI secretary
Si Undersecretary Cristina Aldeguer-Roque ang itinalagang acting secretary ng DTI. | File photo mula sa DTI

METRO MANILA, Philippines — Magsisilbing acting secretary ng Department of Trade and Industry si Undersecretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque.

Ito ang ianunsiyo ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes kasunod nang pagbibitiw ni Alfredo Pascual.

Ayon sa PCO, nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may tunay na kapabilidad ang pamunuan ng kagawaran kayat itinalaga nito si Aldeguer-Roque.

BASAHIN: Trade Secretary Alfredo Pascual nag-resign; pumayag si Marcos

Sa inilabas din na pahayag ng PCO, sinabi na napakahalaga ng DTI sa paglago ng ekonimiya ng bansa, partikular na ang pagsuporta sa mga maliliit na negosyo.

Sinabi din na napansin ni Marcos ang ipinakitang dedikasyon ni Aldeguer-Roque sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa pamumuno nito sa DTI-MSME Development Group at ang pangangasiwa nito sa Bureau of Small and Medium Enterprise Development, sa Bureau of Marketing Development and Promotions, sa One Town, One Product Product Management Office at sa Comprehensive Agrarian Reform Program Management Office.

Pinangangsiwaan din nito ang Small Business Corp. at Cooperative Development Authority.

TAGS: Alfredo Pascual, Cristina Aldeguer-Roque, Department of Trade and Industry, Alfredo Pascual, Cristina Aldeguer-Roque, Department of Trade and Industry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.