Poe itinanggi na inalok siyang maging DTI secretary

By Jan Escosio August 02, 2024 - 09:02 AM

PHOTO: Grace Poe STORY: Poe itinanggi na inalok siya na maging DTI secretary
Sen. Grace Poe —File photo mula sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Itinanggi ni Sen. Grace Poe na kabilang siya sa mga pinagpipilian para maging susunod na kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ni Poe nitong Huwebes na walang kumausap sa kanya para pumalit sa iniwan na puwesto ni Trade Secretary Alfredo Pascual, na iiwan ang posisyon ngayong Biyernes.

Idiniin ni Poe na nakatutok siya ngayon sa mga responsibilidad bilang namumuno sa Senate Committee on Finance.

BASAHIN: Trade Secretary Alfredo Pascual nag-resign; pumayag si Marcos

Aniya, magiging abala siya dahil naipasa na ng Department of Budget and Management (DBM) ang 2025 National Expenditure Program (NEP).

Napakahalaga aniya na makapaglaan ng tamang pondo sa mga programa at proyekto na makakapagpagaan ng buhay ng mga Filipino.

Kailangan din matiyak ang tamang paggamit sa mga pondo.

Inamin naman niya na magiging malaking karangalan sa kanya kapag inalok siya na maging bahagi ng gabinete ni Pangulong Marcos Jr., ngunit mas nais niya na matutukan ang kanyang mga trabaho bilang mambabatas sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

TAGS: Department of Trade and Industry, grace poe, Department of Trade and Industry, grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.