METRO MANILA, Philippines — Naharang ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong package na naglalaman ng ibat-ibang uri ng mga droga noong nakaraang linggo.
Ang mga package ay naglalaman ng 96 disposable vape cartridges na naglalaman ng cannabis oil, 468 grams ng kush o high-grade marijuana, at 957 grams ng shabu. Ang ang mga ito ay may kabuuang halaga na P7.386 na milyon.
Ang mga packages ay nagmula sa Estados Unidos at Pakistan at ang consignees ay naasa Cebu City, Bacolod City, at Naga City.
BASAHIN: P9-B halagá ng mga ilegál na droga winasak ng PDEA
Nasa kustodiya na ngayon ng PDEA ang mga droga at magsasagawa ito at ang BOC ng imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at sa Customs Modernization and Tariff Act.