Escudero: China di aalma sa $500-M security aid ng US sa PH

By Jan Escosio August 01, 2024 - 06:47 AM

PHOTO: Francis Escudero STORY: Escudero: China di aalma sa $500-M security aid ng US sa PH
Si Sen. Francis Escudero ang bagong napiling Senate president nitong Lunes, ika-20 ng Mayo 2024. —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Kumpiyansa si Senate President Francis  Escudero na hindi ikagagalit ng China ang ibinigay na $500 million na defense at security aid ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Naniniwala din ang senador na hindi gagawa ang hakbang ang China  na magpapatindi ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Katuwiran ni Escudero, tulad ng ibang bansa, karapatan ng Pilipinas na palakasin ang sariling hukbong-sandatahan para sa seguridad at kapayapaan.

BASAHIN: US tiniyák ang pagpapatupád sa Mutual Defense Treaty

Ang pagbibigay ng military aid o anumang uri ng tulong ay karaniwan sa mga mga magkaka-alyadong bansa.

Puna naman ni Senate Minority Aquilino “Koko” Pimentel III na wala naman pakinabang ang mga magsasaka at mangingisda sa panibagong tulong ng Amerika.

Dagdag pa nito, kadalasan ay gamit na o luma na ang ibinibigay na mga kagamitang pang-digma ng US sa Pilipinas.

 

TAGS: Francis Escudero, PH-China relations, PH-US relations, US defense aid, Francis Escudero, PH-China relations, PH-US relations, US defense aid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.