Sa Pagasa weather bulletin ngayong hapon, lumabas ng PAR ang bagyo dakong alas tres ng hapon at huling namataan sa 365 kilometers per hour sa Northwest of Itbayat, Batanes.
Una rito ay humina ang Bagyong Butchoy matapos tumama sa Taiwan kaninang umaga.
Ang huling taglay na lakas ng hangin ng bagyo ay 165 kilometers per hour at bugsong 200 kilometers per hour at mabagal na kumikilos pa-northwest sa 13 kilometers per hour.
Dahil sa paglabas ng bagyo sa PAR ay tinanggal na ang anumang storm warning signals.
Pero pinaigting ng bagyo ang Habagat na dahilan ng pag-uulan sa Metro Manila at kalapit na lalawigan ng Zambales, Bataan, Batangas, Cavite at Mindoro.
Ayon sa Pagasa, magpapatuloy ang pag-uulan sa Western section ng Luzon hanggang Linggo o Lunes.
Bubuti na ang panahon sa Metro Manila sa Linggo ng gabi habang mas magandang panahon ang maaasahan sa bansa sa Lunes o Martes.