Posisyon ni Arnell Ignacio sa PAGCOR kinumpirma ng Malakanyang

arnell-ignacio
Bandera Inquirer File Photo

Kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang na itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte ang komedyante at TV host na si Arnell Ignacio sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Pero ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, hindi lang niya mabatid kung anong eksaktong posisyon ang nasungkit ni Ignacio.

Una rito, nagpost na si Ignacio sa kanyang twitter account na siya na umano Assistant Vice President for the Community Relation and Services Department ng PAGCOR.

May mensahe pa si Ignacio kay PAGCOR Chairman Andrea Andrea Domingo at sa sambayanang Pilipino na hindi umano sila magsisi sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Matatandaang isa lamang si Ignacio sa mga artista na sumuporta sa kandidatura ni Duterte at aktibong nangampanya bago ang May 9 national elections.

Read more...