PNP-AIDG nais pa-amyendahan ang anti-wiretapping law

PNP-AIDGMalaking bagay umano para sa PNP-AIDG kung maikukunsiderang ma-amyendahan ang anti-wire tapping law sa gitna ng all-out-war ng Duterte Administration kontra iligal na droga.

Aminado si PNP-AIDF Acting Director Sr Supt Albert Ferro, nalilimitahan ng anti-wire tapping act ang kanilang investigative capability kontra sa isang subject na kanilang tinutugis.

Sa ngayon ayon kay Ferro, maaari lamang i-wire tap ang isang kriminal o sindikato kung may basbas ng husgado o court order.

Ganunpaman, aminado naman si Ferro na may iba pang paraan para makapag-estable sila ng mga dagdag na ebidensiya laban sa isang drug suspek para itoy makasuhan o ma-neutralize.

Read more...