PNP tumutulong sa Senate security sa paghahanáp kay Alice Guo

By Jan Escosio July 16, 2024 - 05:20 PM

PHOTO: Composite image of PNP headquarters with PNP logo superimposed STORY: PNP tumutulong sa Senate security sa paghahanáp kay Alice Guo
Composite image from INQUIRER.net file photos

METRO MANILA, Philippines — Inatasan ng Philippine National Police (PNP) ang mga lokal ng mga hepe – mula sa antás ng rehiyón hanggáng munisipalidád o siyudád — na tumulong sa paghahanáp kay suspended Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Kasama na rin sa utós ang iba pang may arrest order mulâ sa Senado kaugnay sa imbestigasyón nitó ng mga ilegál na Philippine offshore gaming operator (POGO) hub, ayon sa  pahayág sa isang press conference kahapong Lunes ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.

Ang mga partikulár na inalerto ay ang hepe ng pulisya sa mga lugar kung saan sinasabing may tirahan ang Bamban mayor at siná Sheila Leal Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, Seimen Guo, Wen Yi Lin, at Dennis Cunanan.

BASAHIN: Kooperasyón kailangan sa pag-aresto kay Alice Guo – Estrada

BASAHIN: Alice Guo cited for contempt dahil sa pag-iwas sa Senate probe

Samantala, naisilbí na kay Nancy Gamo, ang accountant ni Guo, ang arrest order sa kanyá at kasalukuyan siyáng nakakulóng sa Senado.

Ayon kay Fajardo, nagbigay seguridad ang PNP sa mga tauhan ng Senate sergeant-at-arms sa pagsisilbi ng arrest order simulaâ noong nakaraáng Sábado.

Si Guo at ang anim pang nabanggit na may arrest order ay dapat dumaló sa pagpapatuloy ng pagdiníg nitóng ika-29 ng Hulyo ng Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros.

TAGS: Alice Guo, Illegal POGO hubs, Philippine National Police, Alice Guo, Illegal POGO hubs, Philippine National Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.