Pangalan ng mga sundalo ng Philippine Army na nagpositibo sa droga, isasapubliko

Philippine ArmyIsasapubliko na ng Philippine Army ang pangalan ng mga sundalo na nagpositibo sa isinagawang drug testing noong Martes.

Pero ito ayon kay Philippine Army Spokesperson Col Benjamin Hao ay kapag natapos na ang confirmatory test na kaagad isinagawa sa 13 sundalo ng Philippine Army na naunang nagpositibo sa surprise drug test.

Paliwanag ni Hao, sa oras na makumpirma na gumagamit nga ng shabu o marijuana ang mga sundalo ay maari na nilang isapubliko ang katauhan ng mga ito.

Giit ni Hao, walang lugar sa AFP at partikular sa Philippine Army ang mga sundalong lulong o gumagamit ng illegal drugs at hindi umano kinukunsinti ng liderato ng AFP ang mga ganitong uri ng sundalo.

Ani Col Hao, bilang patunay mayroon nang kabuuang 209 ang mga sundalo mula sa Philippine Army ang nasibak sa serbisyo simula 2013 dahil sa paggamit ng ilegal na droga.

131 dito noong 2013, 38 nasibak noong 2014, 35 na dismiss noong 2015 at ngayong taon mayroon ng 5 ang nasibak dahil sa illegal drugs.

Read more...